Kumonekta sa mga Wi-Fi network sa iyong Android device (2024)

Para gamitin ang Wi-Fi sa paraang gusto mo, maaari mong baguhin kung paano at kung kailan kokonekta ang iyong device.

Kapag naka-on ang iyong Wi-Fi, awtomatikong makokonekta ang device mo sa mga kalapit na Wi-Fi network kung saan dati ka nang nakonekta. Maaari mo ring itakda ang iyong device na awtomatikong i-on ang Wi-FI malapit sa mga naka-save na network.

Mahalaga:

  • Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 12 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.
  • Kailangan ng ilan sa mga hakbang na ito na pindutin mo ang screen.

I-on at kumonekta

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Network at internetKumonekta sa mga Wi-Fi network sa iyong Android device (1) Internet.
  3. Mag-tap ng nakalistang network. May Lock Kumonekta sa mga Wi-Fi network sa iyong Android device (2) ang mga network na nangangailangan ng password.

Tip: Pagkatapos mong kumonekta, magiging "Naka-save" ang network. Kapag nasa malapit ang iyong device at naka-on ang Wi-Fi, awtomatikong kokonekta sa network na ito ang device mo.

Kumonekta sa pamamagitan ng notification

Kapag naka-on ang Wi-Fi, makakatanggap ka ng mga notification ng mga available, mataas na kalidad, at pampublikong network. Sa mga notification na ito:

  • Para kumonekta sa network, i-tap ang Kumonekta.
  • Para baguhin ang mga setting ng Wi-Fi, i-tap ang Lahat ng Network.
  • Para hindi makatanggap ng mga notification para sa network na iyon, i-clear ang notification. Alamin kung paano kontrolin ang mga notification.

Kumonekta mula sa Panel ng Internet

  1. Mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen.
  2. I-tap ang Internet.
  3. Sa lalabas na panel, pumili ng network.

Tip: Para makakuha ng mas malakas na koneksyon, puwede mong gamitin ang Panel ng Internet para mabilis na lumipat sa ibang network. Pansamantalang ise-save ang iyong kagustuhan.

Paghambingin ang lakas ng mga network

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Network at internetKumonekta sa mga Wi-Fi network sa iyong Android device (3) Internet.
  3. Makikita sa icon ng Wi-Fi Kumonekta sa mga Wi-Fi network sa iyong Android device (4) kung gaano kalakas ang signal ng network. Kapag mas buo ang icon, mas malakas ang signal.

I-reset ang iyong koneksyon sa internet

Mahalaga: Kung ire-reset mo ang iyong koneksyon habang nasa tawag sa telepono o video call ka, matatapos ang tawag mo.

  1. Mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen.
  2. Pindutin nang matagal ang Internet.
  3. I-tap ang I-reset Kumonekta sa mga Wi-Fi network sa iyong Android device (5).

Idiskonekta ang Wi-Fi sa iyong device

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Network at internet Kumonekta sa mga Wi-Fi network sa iyong Android device (6) Internet.
  3. Sa tabi ng iyong nakakonektang Wi-Fi network, i-tap ang mga setting ng Wi-Fi Kumonekta sa mga Wi-Fi network sa iyong Android device (7) Kumonekta sa mga Wi-Fi network sa iyong Android device (8) Idiskonekta.

Magbago, magdagdag, magbahagi, o mag-alis ng mga naka-save na network

Baguhin ang naka-save na network

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Network at internetKumonekta sa mga Wi-Fi network sa iyong Android device (9) Internet.
    • Para magpalipat-lipat sa mga nakalistang network, mag-tap ng pangalan ng network.
    • Para baguhin ang mga setting ng network, i-tap ang network.

Magdagdag ng naka-save na network

Opsyon 1: Hintaying mag-reload ang listahan ng network

Kung hindi nakalistaangnetwork na gusto mo, pero nasa malapit lang ito, hintaying mag-refresh ang listahan.

Opsyon 2: Magdagdag ng network

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Network at internetKumonekta sa mga Wi-Fi network sa iyong Android device (10) Internet.
  3. Sa ibaba ng listahan, i-tap ang Magdagdag ng network.
    • Baka kailanganin mong ilagay ang pangalan ng network (SSID) at mga detalye ng seguridad.
  4. I-tap ang I-save.

Ibahagi ang impormasyon ng Wi-Fi mula sa app na Mga Setting

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Network at internet Kumonekta sa mga Wi-Fi network sa iyong Android device (11) Internet.
  3. I-tap ang iyong Wi-Fi network Kumonekta sa mga Wi-Fi network sa iyong Android device (12) Ibahagi.
  4. Bibigyan ka ng iyong device ng QR code. Para sumali sa parehong network, puwedeng i-scan ng kaibigan mo ang code gamit ang isa pang device.

Mag-alis ng naka-save na network

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Network at internet Kumonekta sa mga Wi-Fi network sa iyong Android device (13) Internet.
  3. Pindutin nang matagal ang isang naka-save na network.
  4. I-tap ang Kalimutan.

Mga kaugnay na resource

  • Mag-tether sa Wi-Fi hotspot
  • Tumawag gamit ang WiFi
  • Pag-opt out ng Wi-Fi assistant at mga labelng bilis ng Wi-Fi para sa mga administrator ng network
  • Pamahalaan ang advanced na mga setting ng Wi-Fi network
Kumonekta sa mga Wi-Fi network sa iyong Android device (2024)
Top Articles
Latest Posts
Article information

Author: Sen. Ignacio Ratke

Last Updated:

Views: 5297

Rating: 4.6 / 5 (76 voted)

Reviews: 83% of readers found this page helpful

Author information

Name: Sen. Ignacio Ratke

Birthday: 1999-05-27

Address: Apt. 171 8116 Bailey Via, Roberthaven, GA 58289

Phone: +2585395768220

Job: Lead Liaison

Hobby: Lockpicking, LARPing, Lego building, Lapidary, Macrame, Book restoration, Bodybuilding

Introduction: My name is Sen. Ignacio Ratke, I am a adventurous, zealous, outstanding, agreeable, precious, excited, gifted person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.